Aug 5, 2006

Saturday Night-In

 
It's Saturday night and while the rest of my age group (24 y/o) goes partying, I am here at home browsing the internet. Jase is at work tonight, night shift eh... I love music and I love to dance pero lam nyo ba never pa kong nakapagbar or clubbing. Yeap and I'm analyzing bakit???

During college (I went to St. Paul Manila), nauso ang bar but never akong sumama sa mga gimik. Bukod sa magastos na sobrang nakakatamad kse uwi pa kong Cavite afterwards. Tapos iniisip ko pero kung gugustohin bakit di ko ginawa? Ako pa! Basta gusto ko gagawan at gagawan ko ng paraan. Hmmm...

In our retreat, sabi the attitudes and how one acts to circumstances is base on their past experiences. So you have to go back throughout your lifetime para makita yung series of events na nagcause ng reaction mo for the present. So here's what I found out...

When I was still in grade school ang curfew ko sa bahay is 6:00 o'clock pm. And more than a couple of times, I got locked out from passing my curfew. As in! I would spend 5 hrs na pinapapak ng lamok sa terrace namin dahil ayaw akong pagbuksan ng pinto ng parents ko. Don't get me wrong ha di naman ako battered child. Yun lang ang punishment sa amin pagdi umuuwi on time. Hehehehe...

Grabeh kaya naman pala ngayon kahit beinte kwatro anyos na ko eh at pag 11 pm na naku di na ko mapakali at gustong umuwi. Tinalo ko pa si Cinderella. Waaah!!! Kaya naman pala di ako makapagenjoy sa mga night out eh. Kaya eto Saturday Night-In ang beauty ko. Trip ko pa naman humataw ng:

Don't you wish your girl friend was hot like me... Don't Cha!