Pages

Mar 21, 2009

Ode To A Great Advice

1 comment:
 

It's a good advice, that you just didn't take
And who would have thought it figures


- Alanis Morisette, Ironic


Yeap. Marami sa atin ang sakit nga ito: magdunong-dunungan sa situation at sadyang pasaway na hindi nakikinig sa payo ng iba. Experience is the best teacher but prevention is better than cure. Keep of the grass. Don't feed the animals eheh bat tayo napunta dun sa last two?


But come to think of it we see a lot of signages all around us. Gaya na lang ng sinabi ko kanina.


Don't feed the animals

Baket sa tingin nyo ba sadyang gustong gutumin ng zoo keepers ang mga feracious pet nila? Syempre hindi noh! Malamang sa hindi may minsan ng nagpakain sa mga animals na to at masyadong naentice ang tiger,for instance, sa pagkain na inaalok ng tao na yun na pati ang kamay ng nag-aalok eh ginawa nyang tanghalian.

Ikaw gusto mo bang maputulan ng kamay dahil sa mga kamag-anak ni Simba?

Thus, sundin ang karatula dahil magandang payo ito.

Slippery when wet

Medyo bitin ang advice na to kse kailangan mo pa ng konting common sense para maintindihan kung bakit nilagay ang babalang ito sa kalsada.


Para sa mga di gaanong pinalad pagdating sa IQ eto ang isang comprehensive explanation:
Kapag basa ang kalsada, madulas kalye.
Pagmadulas ang kalye at matulin kang magmaneho swerte mo kung di ka maaksidente. Pagnaaksidente ka malamang mayuyupi sasakyan mo (tsk, tsk lagot ang insurance neto), maaari pang mabangasan ang fez mo at di kayanin ni Dr. Belo na irestore ito to its original form.

Kawawa ka naman ala ka na ngang IQ, may peklat pa ang mukha mo for life. Ang panget di ba?

Kaya hinay-hinay lang sa pagdidrive ng Ferrari mo kapag wet ang daanan. Ergo, sundin ang magandang payo.

O gusto nyo pa ng isang sample? Di ka pa nasiyahan ha....

Heto pa ang isa, Flush the toilet after use (especially when you just did a number #2 in a public toilet)

Okey given the possibility ng not so great atmosphere it would create after you're done with the deed at definitely nakakahiya na may pumasok na sa cubicle na kakagamit mo pa lang at nakitang ikaw ang last user. Pero, heller?
Gusto mo bang maanalyze nila kung anu-ano ang chinibog mo the whole (for some, the past couple of) day/s base on your fecal? Naranasan mo na bang ngumasab ng sweet corn at makitang buo pa ito sa iyong manure?


Hahaha, think CSI Las Vegas. Sa pamamagitan ng iyong bombang iniwan malalaman nila na sadya kang matakaw dahil sa iba't ibang chemical content nito. So try mo naman pahirapan ng onti sila Grissom at iflush ang toilet para sa poso negro sila maghanap kung alindun ang sau. Gandang image di ba?


Hence, this is a very sensible advice kaya sundin mo.


With that said, marami sa atin ang nakakaranas ng iba't ibang problema ranging from different issues in life. And at some point we feel like you have reach the dead end -- no one to talk to, no one to listen, and no one who understands the pain you are going through.


>



Marami ng beses akong pumalpak, dahil tulad nyo matigas din ang ulo ko. Swerte lang ako dahil despite sa mga napagdaanan ko eh di naman umabot sa punto na nasira ang buhay ko. Dinaanan ko lang yung mga yun para patatagin ako. I truly believed that in the midst of the situation, may Higher Being pa rin na nagbabantay sa akin. Giving me subtle advices in a form na hindi nakasulat sa mga rectangular-card board or plywood.
I was given advices through seeing the lives of others and realizing how a good advice can actually save me from losing my sanity to the circumstances.

Bilang pagtanaw ng malaking utang na loob sa mga tao, pati na rin babasahin at mga palabas, na nakatulong sa akin to survive a number of ordeals, I have compiled a list of sound advice under different possible topics that might help you when you find yourself in a sticky situation.





Feel free to come back to this post anytime, these are topnotch reminders from the most expert in all things. It was given to us for a reason but like the rest of us, we are just either too busy to notice or too self-absorb that we won't even recognize it even if it would be written in pink gigantic tarpaulin in EDSA just like what BF of MMDA does to get people's attention.





so, go ahead click a link, it might actually save you from sleepness nights...


Links to follow...

1 comment:

  1. Anonymous5:17 PM

    Seatmate, your posts... either amazes me or makes me laugh... :P Remind me to follow instructions properly.. :P hahaha. At pag nde ko nagets ang instruction dont worry, itetext kita to ask for an explanation. And i'll keep in mind not to feed the animals..they could always turn against you. except dear pringles :)

    ReplyDelete

Love it when you just don't read, you also interact by commenting. Have a vibrant and blessed day!